Add parallel Print Page Options

56 Mga mapagpaimbabaw! Alam ninyong kilalanin ang anyo ng langit at ng lupa. Bakit hindi ninyo alam kilalanin ang panahong ito?

57 Bakit maging sa inyong mga sarili ay hindi ninyo mahatulan kung ano ang matuwid? 58 Sa iyong pagpunta sa harap ng hukom kasama ng nagsasakdal sa iyo, sikapin mong sa daan pa lang ay makipagkasundo ka na sa kaniya. Kung hindi ganito, ay kakaladkarin ka niya patungo sa hukom at ang hukom ang magsusuko sa iyo sa tanod na siyang magpapa­bilanggo sa iyo.

Read full chapter