Add parallel Print Page Options

19 Ang katulad nito'y isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging isang punongkahoy, at ang mga ibon ay nagpugad sa mga sanga nito.”

Ang Talinghaga ng Pampaalsa(A)

20 Sinabi pa ni Jesus, “Saan ko ihahambing ang kaharian ng Diyos? 21 Ito ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina,[a] kaya't umalsa ang buong masa.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 13:21 TATLONG TAKAL NA HARINA: Ang katumbas na timbang ng tatlong takal na harinang ito ay halos apatnapung litro.