Add parallel Print Page Options

15 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, (A)Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios.

16 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; (B)at marami siyang inanyayahan:

17 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.

Read full chapter