Add parallel Print Page Options

20 Sinabi ng isa pa, ‘Bagong kasal ako kaya't hindi ako makadadalo.’ 21 Pagbalik ng lingkod, iniulat niya sa kanyang panginoon ang mga iyon. Sa galit ng panginoon ng sambahayan ay sinabi niya sa kanyang lingkod, ‘Pumunta ka agad sa mga lansangan at eskinita ng bayan at dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga bulag at mga lumpo.’ 22 Sinabi ng lingkod pagbalik nito, ‘Panginoon, natupad na ang ipinag-utos ninyo, pero may lugar pa rin.’

Read full chapter