Add parallel Print Page Options

Ang Pagsunod sa Panginoon(A)

25 Maraming tao ang sumunod kay Jesus sa paglalakbay niya papuntang Jerusalem. Lumingon siya at sinabi sa kanila, 26 “Ang sinumang nais sumunod sa akin, pero mas mahalaga sa kanya ang kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid at maging ang kanyang sarili ay hindi maaaring maging tagasunod ko. 27 Ang sinumang ayaw sumunod sa akin dahil natatakot siyang mamatay para sa akin[a] ay hindi maaaring maging tagasunod ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:27 natatakot siyang mamatay para sa akin: sa literal, ayaw niyang pasanin ang kanyang krus.