Add parallel Print Page Options

Sinabi niya sa kanila: Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag kang umupo sa pangunahing dako sapagkat baka may inanyayahan pa siyang higit na marangal kaysa sa iyo. Siya na nag-anyaya sa iyo at sa kaniya ay lalapit sa iyo. Sasa­bihin niya sa iyo: Paupuin mo ang taong ito sa kinauupuan mo. Pagkatapos, ikaw ay mapapahiyang kukuha ng kahuli-hulihang dako. 10 Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, sa pagpunta mo ay maupo ka sa kahuli-hulihang dako. Ito ay upang sa paglapit ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya: Kaibigan, pumunta ka sa higit na mataas. Pagkatapos, ang karangalan ay mapapasaiyo sa harap ng mga kasama mong nakadulog sa hapag.

Read full chapter