Font Size
Lucas 15:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 15:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap.
Read full chapterFootnotes
- 13 ipinagbili: Sa Griego ay tinipon .