Add parallel Print Page Options

20 Kaya siya ay tumindig at umuwi sa kanyang ama. Ngunit malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kanyang ama at labis itong naawa sa kanya. Tumakbo ito sa kanya, niyakap siya at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat tawaging iyong anak.’ 22 Ngunit sinabi ng ama sa kanyang mga lingkod, ‘Magmadali kayo! Dalhin ninyo rito ang pinakamagandang balabal at isuot sa kanya. Suotan ninyo ng singsing ang kanyang daliri at ng mga sandalyas ang kanyang mga paa.

Read full chapter