Add parallel Print Page Options

Pagdating niya sa bahay, tatawagin niyang sama-sama ang kaniyang mga kaibigan at mga kapit-bahay. Sasabihin niya sa kanila: Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko na ang nawala kong tupa. Sinasabi ko sa inyo: Sa gayunding paraan magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisi. Ang kagalakang ito ay higit pa kaysa siyamnapu’t-siyam na mga matuwid na hindi kailangang magsisi.

Ang Talinghaga ng Nawalang Pilak

O sino ngang babae ang may sampung pirasong pilak at mawala niya ang isa, hindi ba siya magsisindi ng ilawan at magwawalis sa bahay at maingat siyang maghahanap, hanggang makita niya ito?

Read full chapter