Add parallel Print Page Options

Ang Kautusan at ang Paghahari ng Diyos(A)

14 Ngunit narinig ng mga Fariseong maibigin sa salapi ang lahat ng iyon kaya siya'y kanilang kinutya. 15 Kaya sinabi niya sa kanila, “Nagkukunwari kayong matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang inyong puso. Sapagkat ang pinahahalagahan ng tao ay kasuklam-suklam sa Diyos. 16 Ang Kautusan at ang mga Propeta ay hanggang kay Juan. Buhat noon, ipinangangaral na ang Magandang Balita ng paghahari ng Diyos at nagpupumilit makapasok ang bawat isa.

Read full chapter