Font Size
Lucas 16:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 16:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Kaya't isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6 Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang[a] langis po.’ Kaya sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka't palitan mo, gawin mong limampu.’ 7 At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’
Read full chapterFootnotes
- 6 TAPAYAN: Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng halos 37 litro.