Font Size
Lucas 17:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 17:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Tungkulin ng Alipin
7 “Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? 8 Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ 9 Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito?
Read full chapter