Add parallel Print Page Options

Hindi ba ang sasabihin mo pa nga sa kaniya: Ipaghanda mo ako ng makakain? Magbigkis ka, paglingkuran mo ako habang ako ay kumakain at umiinom. Pagkatapos ng mga bagay na ito, ikaw ay kakain at iinom. Pasasalamatan ba niya ang aliping iyon dahil ginawa niya ang mga bagay na iniutos sa kaniya? Sa palagay ko ay hindi. 10 Gayundin naman kayo, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: Kami ay mga aliping walang pakinabang sapagkat ang aming ginawa ay ang tungkuling dapat lamang naming gawin.

Read full chapter