Font Size
Lucas 18:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 18:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Subalit pinalapit ni Jesus ang mga bata. Sinabi niya, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, sapagkat para sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos. 17 Tinitiyak ko sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos gaya ng isang bata ay hinding-hindi makapapasok dito.”
Ang Mayamang Lalaki(A)
18 Tinanong siya ng isang pinuno, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.