Add parallel Print Page Options

21 At sinabi ng lalaki, “Tinupad ko na ang lahat ng ito mula pa sa pagkabata.” 22 Nang marinig ito ni Jesus ay sinabi sa kanya, “Isa pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mahihirap at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka at sumunod sa akin.” 23 Labis na nalungkot ang lalaki sa narinig, sapagkat siya ay napakayaman.

Read full chapter