Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Sampung Mina[a](A)

11 Samantalang(B) pinapakinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siya at nagsalaysay ng isang talinghaga, sapagkat siya'y malapit na sa Jerusalem, at sapagkat kanilang inakala na ang kaharian ng Diyos ay mahahayag na kaagad.

12 Sinabi nga niya, “Isang maharlikang tao ang pumunta sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian at pagkatapos ay bumalik.

13 Tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin at binigyan sila ng sampung mina, at sinabi sa kanila, ‘Ipangalakal ninyo ito hanggang sa ako'y dumating.’

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 19:11 MINA: Ang isang mina ay katumbas ng tatlong buwang suweldo ng isang manggagawa.