Add parallel Print Page Options

Ang Talinghaga ng Salaping Ginto(A)

11 Habang(B) ang mga tao ay nakikinig, nagpatuloy si Jesus sa pagsasalita at isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga. Si Jesus ay malapit na noon sa Jerusalem at inakala ng mga tao na darating na agad ang kaharian ng Diyos. 12 Kaya't sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong lupain upang siya'y gawing hari, at pagkatapos nito, siya ay babalik. 13 Subalit bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin at binigyan ang mga ito ng tig-iisang gintong salapi.[a] Sinabi niya sa kanila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa aking pagbabalik.’

Read full chapter

Footnotes

  1. 13 GINTONG SALAPI: Ang katumbas na halaga ng salaping ito ay humigit-kumulang sa tatlong buwang sahod ng isang karaniwang manggagawa.