Add parallel Print Page Options

13 Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga alipin at bawat isa ay binigyan ng isang mina. Sinabi niya sa kanila: Mangalakal kayo hanggang sa pagdating ko.

14 Ngunit ang kaniyang mga mamamayan ay napopoot sa kaniya. At nagsugo sila sa kaniya ng isang kinatawan. Kanilang sinabi: Ayaw naming maghari sa amin ang lalaking ito.

15 At nangyari, na sa kaniyang pagbalik, pagkatanggap niya ng paghahari, iniutos niyang tawagin ang mga aliping ito. Ipinatawag niya ang mga aliping binigyan niya ng salapi upang malaman niya kung ano ang tinubo ng bawat isa sa pangangalakal.

Read full chapter