Add parallel Print Page Options

12 At ito ang palatandaan para sa inyo: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na binalot sa lampin at nakahiga sa sabsaban.” 13 Walang anu-ano'y sumama sa anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at nagsasabi:

14 “Luwalhati sa Diyos sa kaitaas-taasan,
at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan.”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 2:14 at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan: Sa ibang manuskrito ay at kapayapaan sa daigdig, at sa mga tao ay kaluguran.