Add parallel Print Page Options

Ang Pagbabalik sa Nazareth

39 Pagkatapos nilang maisagawa ang lahat ng ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik ang mga magulang ni Jesus sa kanilang bayang Nazareth sa Galilea. 40 Lumaking malusog ang bata, puspos ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.

Ang Batang si Jesus sa Templo

41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, nagpupunta sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus.

Read full chapter