Add parallel Print Page Options

Nangyari, samantalang sila ay naroroon, sumapit ang araw ng kaniyang panganganak. Isinilang niya ang kaniyang panganay na anak, isang lalaki at binalot niya siya ng mga mahabang tela. Siya ay inihiga niya sa isang sabsaban sapagkat wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan.

Nagbalita ang mga Anghel sa mga Pastol

Sa lupain ding iyon ay may mga tagapag-alaga ng mga tupa na namamalagi sa parang. Binabantayan nila sa gabi ang kanilang kawan.

Read full chapter