Add parallel Print Page Options

At isinilang niya ang kanyang panganay na lalaki, binalot niya ito ng lampin at inihiga sa sabsaban, sapagkat walang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.

Ang mga Pastol at ang mga Anghel

Kinagabihan, sa lupain ding iyon ay may mga pastol sa parang na nagbabantay ng kanilang mga kawan. Bigla na lang lumitaw sa harapan nila ang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Diyos ay nagliwanag sa kanilang paligid; sila ay lubhang natakot.

Read full chapter