Add parallel Print Page Options

Tinanong ang Karapatan ni Jesus(A)

20 Isang araw, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at nangangaral ng ebanghelyo, lumapit sa kanya ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kasama ang matatandang pinuno ng bayan. Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin kung ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?”

Read full chapter