Add parallel Print Page Options

11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, mga taggutom at mga salot sa iba't ibang dako; at mula sa langit ay lilitaw ang mga kakila-kilabot at dakilang tanda. 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, dadakpin muna nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan, at dahil sa aking pangalan ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. 13 Magbibigay sa inyo ito ng pagkakataon upang magpatotoo.

Read full chapter