Add parallel Print Page Options

36 Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ngayon, magdala kayo ng lalagyan ng salapi at ng pagkain. At ang sinumang walang tabak, ipagbili ang kanyang balabal at bumili ng tabak. 37 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, ang bahaging ito ng Kasulatan ay kailangang matupad sa akin, ‘Ibinilang siya sa mga salarin.’ Natutupad na nga ang nasusulat tungkol sa akin.” 38 At sinabi ng mga alagad, “Panginoon, narito ang dalawang tabak.” Sumagot siya, “Tama na!”

Read full chapter