Font Size
Lucas 22:59-61
Ang Salita ng Diyos
Lucas 22:59-61
Ang Salita ng Diyos
59 Pagkalipas nang may isang oras, may isa pang mariing nagsalita. Sinabi niya: Totoong ang isang ito ay kasama rin niya dahil siya ay isa ring taga-Galilea.
60 Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo. Habang siya ay nagsasalita pa, tumilaok ang tandang. 61 Sa paglingon ng Panginoon,tiningnan niya si Pedro at naala-ala ni Pedro ang salita ng Panginoon kung papaanong sinabi sa kaniya: Bago tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo akong ikakaila.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International