Add parallel Print Page Options

Ang Kamatayan ni Jesus(A)

44 Noon ay magtatanghaling-tapat na,[a] at ang buong lupain ay nabalot ng dilim hanggang ikatlo ng hapon.[b] 45 Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng templo ay nahati sa dalawa. 46 Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa iyong mga kamay, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito'y nalagutan siya ng hininga.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 23:44 Sa Griyego, mag-iikaanim na oras na.
  2. Lucas 23:44 Sa Griyego, ikasiyam na oras.