Add parallel Print Page Options

46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, (A)Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.

47 At nang (B)makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay (C)nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.

Read full chapter