Add parallel Print Page Options

Ngunit nagpumilit sila at sinabi, “Sinusulsulan niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo sa buong Judea, mula Galilea hanggang sa lugar na ito.”

Si Jesus sa Harapan ni Herodes

Nang marinig ito ni Pilato, nagtanong siya kung ang taong iyon ay taga-Galilea. Nang malaman niya na ang taong ito ay sakop ni Herodes, ipinadala niya ito kay Herodes, na nasa Jerusalem nang mga araw na iyon.

Read full chapter