Add parallel Print Page Options

44 Sinabi niya sa kanila: Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo. Sinabi ko sa inyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin. Ito ay ang mga isinulat sa mga aklat ng kautusan ni Moises, at aklat ng mga propeta at ng mga Awit.

45 Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.

Read full chapter