Add parallel Print Page Options

14 Nagtanong din sa kanya ang mga kawal, “At kami naman, ano naman ang dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ni magbintang nang mali. Makuntento kayo sa inyong sinasahod.” 15 Dahil sa pananabik ng mga tao, nagtatanungan sila kung si Juan na nga ba ang Cristo. 16 Sinagot silang lahat ni Juan, “Binabautismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit may darating na higit na makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng kanyang sandalyas. Siya ang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu at apoy.

Read full chapter