Font Size
Lucas 3:14-16
Ang Salita ng Diyos
Lucas 3:14-16
Ang Salita ng Diyos
14 Tinanong din siya ng mga kawal: Ano ang dapat naming gawin?
Sinabi niya sa kanila: Huwag kayong mangikil sa sinuman, ni magparatang ng mali. Masiyahan na kayo sa inyong mga sinasahod.
15 Ang mga tao ay umaasa sa pagdating ng Mesiyas. Ang lahat ay nagmumuni-muni sa kanilang mga puso patungkol kay Juan kung siya nga ang Mesiyas o hindi. 16 Si Juan ay sumagot sa kanilang lahat: Binabawtismuhan ko nga kayo ng tubig ngunit darating ang isang higit na dakila. Hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kaniyang panyapak. Babawtismuhan niya kayo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International