Add parallel Print Page Options

23 Sinabi niya sa kanila, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili. Gawin mo rin dito sa iyong bayang tinubuan ang mga narinig naming nangyari sa Capernaum.’ ” 24 Sinabi niya, “Tandaan ninyo ang sinasabi ko: walang propetang kinikilala sa kanyang bayang tinubuan. 25 Ngunit ang totoo, maraming balong babae sa Israel noong panahon ni Elias, nang tatlong taon at anim na buwang hindi umulan na nagsanhi ng taggutom sa buong lupain.

Read full chapter