Add parallel Print Page Options

25 Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: Sa panahon ni Elias ay maraming mga babaeng balo sa Israel. Ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan. Nagkaroon ng malaking taggutom sa lahat ng lupain. 26 Sa panahong iyon ay hindiisinugo si Elias sa mga babaeng balo maliban sa isang babaeng balo sa Sarepat. Ang Sarepat ay isang bayan sa Sidon. 27 Sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel. Walang nilinis sa kanila malibankay Naaman na taga-Siria.

Read full chapter