Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao(A)

38 Nilisan ni Jesus ang sinagoga at pumasok sa bahay ni Simon. Noon ay inaapoy sa lagnat ang biyenang babae ni Simon at nakiusap sila kay Jesus para sa kanya. 39 At tumayo si Jesus sa tabi nito, pinatigil niya ang lagnat at nawala nga ito. Kaya't pagtayo ng babae, agad itong naglingkod sa kanila. 40 Nang palubog na ang araw, dinala sa kanya ng lahat ang kani-kanilang may mga sari-saring karamdaman. At pagkapatong ng kanyang mga kamay sa bawat isa ay pinagaling sila.

Read full chapter