Font Size
Lucas 5:10-12
Magandang Balita Biblia
Lucas 5:10-12
Magandang Balita Biblia
10 gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayo'y mga tao na, sa halip na mga isda, ang iyong huhulihin.”
11 Nang maitabi na nila ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.
Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(A)
12 Nang si Jesus ay nasa isang bayan, nakita siya ng isang lalaking ketongin. Nagpatirapa ito at nakiusap, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling at magagawang malinis.”[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 5:12 MALINIS: Sa panahong iyon, itinuturing na marumi ang taong may sakit na ketong.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.