Font Size
Lucas 5:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 5:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Nang maitabi na nila ang mga bangka sa pampang, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.
Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(A)
12 Nang si Jesus ay nasa isang bayan, nakita siya ng isang lalaking ketongin. Nagpatirapa ito at nakiusap, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling at magagawang malinis.”[a]
13 Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Nais ko. Gumaling ka at luminis!” At noon di'y nawala ang kanyang ketong.
Read full chapterFootnotes
- 12 MALINIS: Sa panahong iyon, itinuturing na marumi ang taong may sakit na ketong.