Add parallel Print Page Options

16 Ngunit siya ay umiwas patungong ilang at nanalangin.

Pinagaling ang Isang Paralitiko(A)

17 Isang araw, habang siya ay nagtuturo, nakaupong malapit ang mga Fariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Nagmula pa sila sa bawat nayon ng Galilea, Judea, at Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nakay Jesus upang makapagpagaling. 18 At dumating ang mga lalaking may dalang isang lalaking paralitiko na nakaratay sa higaan. Sinikap nilang maipasok ito at mailagay sa harapan ni Jesus.

Read full chapter