Add parallel Print Page Options

18 At dumating ang mga lalaking may dalang isang lalaking paralitiko na nakaratay sa higaan. Sinikap nilang maipasok ito at mailagay sa harapan ni Jesus. 19 Ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi nila malaman kung paano ito mailalapit sa kanya. Kaya't umakyat sila sa bubungan, tinuklap ang bubong na tisa at sa harapan ni Jesus sa gitna ng silid ay ibinaba ang lalaking nakahiga sa higaan. 20 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya ay sinabi niya, “Lalaki, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

Read full chapter