Add parallel Print Page Options

26 Binalot ng pagkamangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at nagsabing, “Kamangha-manghang mga bagay ang nasaksihan natin ngayon!”

Ang Pagtawag kay Levi(A)

27 Pagkatapos ng mga ito ay umalis si Jesus at nakita niya ang isang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin!” 28 Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus.

Read full chapter