Add parallel Print Page Options

17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil (A)sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang (B)lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng (C)Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;

18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.

19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't (D)lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.

Read full chapter