Font Size
Lucas 6:39-41
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 6:39-41
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
39 Tinanong(A) sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon! 40 Walang(B) alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro.
41 “Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata?
Read full chapter