Font Size
Lucas 6:45-47
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 6:45-47
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
45 Ang(A) mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
Ang Dalawang Uri ng Taong Nagtayo ng Bahay(B)
46 “Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko? 47 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang katulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig sa aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito.
Read full chapter