Font Size
Lucas 7:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 7:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Muling Binuhay ang Anak ng Isang Biyuda
11 Pagkatapos nito, nagpunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, may isang lalaking namatay na dala ng mga tao patungo sa libingan. Ito ay kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming tao mula sa bayan ang sumama upang makipaglibing. 13 Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya't sinabi niya rito, “Huwag kang umiyak.”
Read full chapter