Add parallel Print Page Options

Ang mga Sugo mula kay Juan na Tagapagbautismo(A)

18 Ibinalita kay Juan ng mga alagad nito ang tungkol sa lahat ng mga ito. Kaya't tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad 19 at isinugo sila sa Panginoon upang magtanong, “Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?” 20 Pagdating ng mga lalaking ito kay Jesus ay kanilang sinabi, “Isinugo kami ni Juan na Tagapagbautismo upang magtanong, ‘Ikaw na ba ang aming pinakahihintay o maghihintay pa kami ng iba?’ ”

Read full chapter