Add parallel Print Page Options

24 Nang makaalis ang mga isinugo ni Juan ay nagsimulang magsabi si Jesus sa mga tao ng tungkol kay Juan, “Ano ang sinadya ninyo sa ilang upang makita? Isang tambo na idinuduyan ng hangin? 25 Ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang lalaking nabibihisan ng magarang damit? Naroon sa palasyo ng mga hari ang mga nakasuot ng magagara at namumuhay nang marangya. 26 Subalit ano nga ba ang sinadya ninyo upang makita? Isang propeta? Oo nga! Sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta.

Read full chapter