Font Size
Lucas 7:25-27
Ang Biblia, 2001
Lucas 7:25-27
Ang Biblia, 2001
25 Subalit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng mga damit na malambot? Masdan ninyo, ang nagdadamit ng magagara at namumuhay ng marangya ay nasa mga palasyo ng mga hari.
26 Subalit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa sa isang propeta.
27 Ito(A) yaong tungkol sa kanya ay nasusulat,
‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo sa iyong unahan[a]
na maghahanda ng iyong daan sa iyong harapan.’
Footnotes
- Lucas 7:27 Sa Griyego ay sa unahan ng iyong mukha .