Add parallel Print Page Options

46 Hindi mo binuhusan ng langis ang aking ulo, subalit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.

47 Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang marami niyang kasalanan ay pinatawad na, sapagkat siya ay nagmahal ng malaki. Subalit ang pinatatawad ng kaunti ay nagmamahal nang kaunti.”

48 At sinabi niya sa babae,[a] “Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 7:48 Sa Griyego ay kanya .