Add parallel Print Page Options

10 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang hiwaga ng paghahari ng Diyos, ngunit sa iba ay sa talinghaga ako mangungusap. Kaya't sa pagtingin ay hindi sila makakakita at sa pakikinig ay hindi sila makauunawa.”

Ipinaliwanag ni Jesus ang Talinghaga ng Manghahasik(A)

11 “Ngayon, ito ang kahulugan ng talinghaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos. 12 Ang mga nalaglag sa daan ay ang mga nakarinig, ngunit nang dumating ang diyablo ay inagaw nito ang salita mula sa kanilang puso upang hindi sila sumampalataya at maligtas.

Read full chapter