Add parallel Print Page Options

13 Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig sa salita at tumanggap dito nang may kagalakan. Ngunit sa kawalan ng ugat, sandali lamang sila nanampalataya at tumalikod sa panahon ng pagsubok. 14 Ang mga napadpad sa tinikan ay ang mga nakarinig ngunit sa kanilang pagpapatuloy ay sinakal ng kabalisahan, mga kayamanan at mga layaw ng buhay kaya't hindi nahinog ang kanilang bunga. 15 Ngunit ang mga nalaglag sa mabuting lupa ay iyong mga nakarinig ng salita at iningatan ito sa kanilang puso nang may katapatan at kabutihan kaya nagbunga ang kanilang pagtitiyaga.”

Read full chapter